-- Advertisements --

Ibinabala ng Canned Sardines Association of the Philippines ang kakulangan ng mga murang sardinas sa pamilihan.

Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng production cost sa mga nagdaang mga taon.

Ayon sa grupo na sa loob ng tatlong taon ay hindi sila nagtaas ng presyo kahit na makailang ulit na silang humirit sa Department of Trade and Industry.

Sinabi ni Francisco Buencamino, ang Executive Director, Canned Sardines Association of the Philippines, na matagal na ang kanilang hirit na dagdag P3.00 sa kanilang produkto kung saan umabot na ito sa ng mahigit tatlong taon.

Umaasa naman ang grupo na mapakinggan na sila ngayon ng DTI matapos ang ginawa nilang pagsusumite muli ng kanilang petisyon.