-- Advertisements --

Pumanaw na ang American actor na si James Van Der Beek sa edad na 48.

Unang iniulat ng Travis County Medical Examiner’s Office ang nasabing balita subalit hindi naman na nila binanggit ang sanhi.

Kinumpirma rin ng asawa ng aktor na si Kimberley Van Der Beek ang pagpanaw nito sa pamamagitan ng kaniyang social media.

Taong 2024 ng kinumpirma ng aktor na ito ay may stage 3 colorectal cancer.

Sumikat ang aktor noong dekada 90 sa hit series na “Dawson’s Creek”.

Mula noon ay nakagawa rin ito ng mga pelikula gaya ng “Scary Movie” , “Varsity Blues” at “Pose”.