-- Advertisements --

Inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board – National Capital Region (RTWPB-NCR) ang P50 dagdag-sahod para sa mga manggagawa sa Metro Manila.

Sa bisa ng bagong wage order, tataas ang arawang minimum na sahod sa NCR mula P645 patungong P695 para sa mga manggagawa sa non-agriculture sector.

Samantala, ang mga nasa agriculture sector ay makakatanggap na ng P658 kada araw mula sa dating P608.

Ipatutupad ang bagong wage increase simula Hulyo 18, 2025.

Ayon sa DOLE, ito na ang pinakamataas na dagdag-sahod na ipinagkaloob ng NCR wage board sa kasaysayan.

Layunin ng hakbang na ito na tugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at mapabuti ang kabuhayan ng mga manggagawa sa rehiyon.

Sinasabing mas malaki ang karaniwang itinataas sa Metro Manila kumpara sa mga lalawigan dahil mataas din ang cost of living sa naturang lugar.