-- Advertisements --
Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagbabalik ng pamamahala ng sports sa Department of Education (DepEd).
Isinagawa ng Pangulo ang anunsiyo sa pagdalo niya sa pagbubukas ng Cagayan Provincial Athletic Association (CPAA) na ginanap sa Camalaniugan Sports Complex, Cagayan.
Ayon sa Pangulo na sa nasabing hakbang ay maisusulong ang sports sa mga mag-aaral.
Giit ng pangulo na ang pagbabalik ng sports sa DepEd para maranasan ng mga kabataan ang sports, mapalakas ang katawan at matuto ang mga ito kung paano makisama sa ibang mga koponan at ibang tao.
Magugunitang noon ay ang tawag sa DepEd ay Department of Education, Culture and Sports (DECS) kung saan tinangal ang sports sa paaralan.
















