-- Advertisements --
Mahigpit na binantayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang naganap na “Trillion Peso March” nitong Setyembre 21.
Ayon kay Presidential Communications Undersecretary Claire Castro, na minonitor ng Pangulo ang mga kaganapan kung saan inatasan niya ang mga otoridad na magpatupad ng “Maximum Tolerance”.
Hinigpitan din ng Presidential Security Command ang seguridad sa kapaligiran ng Malacañang compound.
Dagdag pa ni Castro, na kaya kinansela ng Pangulo ang pagdalo sa United Nations General Assembly (UNGA) sa US para imonitor ang mga kaganapan sa anti-corruption rally.
Una ng sinabi ng PNP na generally peaceful ang mga naganap na kilos protesta kasabay ng ika-53 taon na deklarasyon ng Martial Law ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.