-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na sumasailalim na sa masusing pag-aaral ang resolution sa kasong grave threats at inciting to sedition laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez , na mayroong draft ang nasabing kaso subalit ito ay isasailalim sa pag-aaralan.

Itinuturing na nakabinbin ang kaso dahil sa pag-aaral ng mga division head ng DOJ.

Magugunitang noong Pebrero 2025 ng maghain ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa ginawang pagbabanta ni Duterte noong Nobyembre 2024.

Sa nasabing pahayag ay sinabi ng Bise Presidente na mayroon itong kinuhang tao para patayin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr, First Lady Liza Marcos, at House Speaker Martin Romualdez.

Paglilinaw ni Martinez na kahit nagdeklara na si Duterte ng pagtakbo nito sa pagkapangulo ay hindi maaapektuhan ang nasabing kaso.