Hindi pa rin papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng face-to-face classes kahit na dumating na ang COVID-19 vaccines sa bansa.

Sa kaniyang talumpati sa pagtanggap nito ng 600,000 doses ng Sinovac vaccines mula sa China, sinabi ng pangulo na ayaw niyang ilagay sa alanganin ang buhay ng mga kabataan.

Hindi pa aniya nito matatanggap na mawalan ng buhay ang mga kabataan.

Nauna ng hindi inaprubahan ng pangulo ang hirit ng ilang Department of Education officials na magkaroon ng face-to-face classes dahil sa panganib ng COVID-19.