Kinumpirma ng Department of Justice ang kanilang kooperasyon sa International Criminal Court hinggil sa mga indibidwal na tetestigo laban kay Former President Rodrigo Roa Duterte.
Ibinahagi mismo ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na mayroong koordinasyon ng isinasagawa sa pagitan ng naturang korte at kanilang kagawaran.
Aniya’y nagpapatuloy o ‘on-going’ ang kanilang pakikipag-ugnayan sa International Tribunal at ibinunyag pang ito’y sinimulan noon pang buwan ng Mayo.
Kaya’t ang mga naturang testigo na padadala sa bansang The Hague, Netherlands ay posibleng isailalim sa kanilang ‘Witness Protection Progam’ upang maging ligtas habang nasa bansa.
“On-going na yan, on-going na at ahh basta I told our program director to cooperate and to help them. And so far ayun, for the past ano ito, past two months, starting May nagsimula na itong pag-aano natin, pagco-cooperate for witness protection,” ani Secretary Jesus Crispin Remulla ng Department of Justice.
Ngunit paglilinaw naman ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi pangungunahan ng kanilang kagawaran ang pagpapadala ng mga testigo tungo sa International Criminal Court.
Paliwanag kasi niya na hindi na umano ito sakop ng kanilang pakikipag-ugnayan sa naturang korte hinggil sa koordinasyong isinasagawa para sa mga tetestigo laban sa dating Pangulo ng bansa.
Ang mahalaga aniya raw dito ay ang masegurong nasa mabuti at maayos na kalagayan ang mga tatayong testigo sa kasong kinakaharap ni former President Rodrigo Duterte.
Kaya’t titiyak umano ng Department of Justice na maibsan ang mga banta sa buhay na maaring matanggap ng mga ito habang nanatili sa bansa.
Samantala, binigyang din ng naturang kalihim na hanggang dito lamang sa Pilipinas ang kanilang pag-asiste at hindi na mangingialam pa pagdating ng mga ito sa The Hague, Netherlands.