-- Advertisements --

Viral ngayon sa social media ang video ni dating Laguna 1st District Congressman Dan Fernandez na may caption na “Makakilos na nga maghanap muna ako trabaho today,” ngunit tila ibang detalye ang pinansin ng publiko kung saan makikitang nasa loob siya ng kanyang closet.

Imbes kasi na outfit niya ang mapansin ng netizen, napansin ng mga ito ang tila kapareho ng closet ng actress at model na si Ivana Alawi.

Umani agad ito ng atensyon online lalo na’t kamakailan lang ay naging trending si Ivana dahil sa umano’y relasyon nito kay Bacolod Representative Albee Benitez, matapos lumabas ang pangalan ni Ivana sa VAWC complaint ng asawa ni Albee, na nag-akusa ng pagkakaroon umano ng “illicit affair” sa pagitan ng aktres at kongresista.

Nakita kasi ng netizens na halos magkapareho ang closet nina Dan at Ivana —parehong may white and gold color scheme at disenyong tila magkapareho gayundin ang mga titles nito na white and touch of gray vibes.

Kasabay nito, muling inungkat ng netizens ang dating tsismis noong 2020 na nag-uugnay kina Ivana at Dan Fernandez.

Matatandaan na kumalat noon ang mga larawan nila na umano’y magkasama, ngunit sa isang panayam kay Boy Abunda itinanggi ito ni Ivana.

“No, we’re friends,” sagot ni Ivana nang tanungin kung nililigawan siya ni Dan. Aniya, lumalabas sila bilang magkakaibigan pero walang romantic involvement. Dagdag pa niya, “babaero” raw si Dan at hindi niya type ang ganoong lalaki. Hindi rin aniya ito “cute” (pagiging babaero).

Samantala, wala pang reaction ang aktres na si Ivana hinggil sa usap-usapan online. Sinusubukan naman ng Bombo Radyo Philippines na kuhaan ng panig ang dating kongresista ngunit wala pa itong tugon hinggil sa nag-viral niyang video.