-- Advertisements --
Nagbigay linaw ang aktres na si Ivana Alawi ukol sa pamamahagi niya ng mga relief goods sa mga gitna ng baha.
Umani kasi ng batikos ang ginawa nitong pagbibigay ng relief goods habang nasa gitna ng baha.
Sinabi nito na nagkataon lamang na nasiraan ang kanilang truck na pinaglagyan ng mga relief goods.
Dahil sa may mga lumapit na tao ay hindi na nila napigilan ang mga ito at ipinamahagi na ang mga relief goods.
Nagpabalik-balik sila sa lugar kung saan nakaparada ang truck para madala ang relief goods sa ibang lugar.
Nanawagan na lamang ito ng pang-uunawa at tingnan mabuti ang sitwasyon kaysa manghusga.
















