-- Advertisements --
Binasag na ng actress-vlogger na si Ivana Alawi ang kaniyang katahimikan ukol sa isyu na ito ay kabet.
Sa kaniyang social media account ay sinagot niya ang mga katanungan mula sa kaniyang mga fans.
Sinabi nito na kailanman ay hindi siya naninira ng pamilya.
Dagdag pa niya na pinalaki siya ng tama ng kaniyang mga magulang ng may malaking respeto sa pamilya.
Alam niya umano ang pakiramdam ng may broken family.
Magugunitang idinamay ang pangalan ng actress mula sa hiwalayan ni Albee Benitez at asawa ntong si Dominique “Nikki” Benitez.