-- Advertisements --

Patay ang isang vlogger na si Alicia Lipata o kilala bilang si Mima Alicia matapos na ito ay pagbabarilin sa loob ng kaniyang inuupahang bahay sa lungsod ng Caloocan.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, pinasok ng mga hindi kilalang suspek ang bahay ng 24-anyos na biktima sa Tierra Nova Subdivision sa Barangay 171, Caloocan City nitong ang 24 anyos na vlogger na si “mima alicia” matapos pagbabarilin sa Tierra Nova Subdivision, Brgy 171 nitong madaling araw ng Biyernes, Hulyo 17.

Nagtamo ng tama sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at sa ulo ang biktima na sanhi ng kaniyang agarang kamatayan.

Maging ang live-in partner nito ay nagtamo rin ng sugat at kasalukuyan itong inoobserbahan sa pagamutan.

Nakatakbo pa sa labas ang mga biktima subalit hinabol sila ng dalawang armadong suspek.

Mabilis na nakatakas ang mga suspek lulan ng isang motorsiklo habang patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Bumuo na ng Special Task Group ang Northern Police District para tutukan ang nasabing kaso.