-- Advertisements --

Iginit ng isang doktor ng pilosopiya na ang kumakalat ngayong ‘larawan’ umano ng unang ginang ay walang patunay at kumpirmasyon.

Naniniwala ito na ang ‘sensitibong larawan’ raw ni first lady Liza Araneta-Marcos ay isang paninirang puri lamang.

Ayon kay Chairman Emeritus Dr. Antonio Goitia ng grupong Liga Independencia Pilipinas (LIPI), Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY) at iba pa, walang dokumento, forensic findings ang makapagsasabi na totoo ang larawan.

Kung kaya’t aniya’y dapat maging malinaw ito sapagkat kanyang binigyang diin na ang kritisismo ay nararapat nakabatay lamang sa katotohanan.

Sa isang panayam kasi ay ipinakakalat ng isang vlogger sa online ang umano’y pribadong mga larawan ngunit giit nila’y taktika lamang ito ng paninira.

‘Gender attack’ kung tawagin ni Goitia ang naturang hakbang kahit walang patunay at ekspertong nagkumpirmang tugma ang larawan sa unang ginang.

Dahil rito’y naniniwala aniya siyang mananagot ang sinuman nagpapakalat ng maling impormasyon sa tamang panahon at pamamaraan.

Habang posible namang maharap sa kaso ang indibidwal na nagpapakalat ng maling impormasyon o pekeng sensitibong larawan ng unang ginang.