-- Advertisements --

Inihayag ni Bacolod City lone district Rep. Alfredo ‘Albee’ Benitez ang kanyang pagpapasalamat matapos ideklara ng Makati City Prosecutor’s Office na walang sapat na ebidensya ang kaso laban sa kanya uko sa paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children (VAWC) Act.

Matatandaan na ang reklamo ay isinampa ng kanyang dating asawa na si Nikki Lopez-Benitez noong Abril, ilang linggo bago ang halalan noong Mayo 2025.

Ngunit matapos ang masusing imbestigasyon, tinanggal ang kaso dahil hindi umabot sa pamantayan ng batas ang mga paratang.

Nanawagan naman si si Rep. Benitez na itigil na ang isyu upang mabigyan ng kapayapaan ang kanilang pamilya, lalo na ang kanilang mga anak.