-- Advertisements --

Nakapag-post na ang aktres at content creator na si Ivana Alawi sa kanyang social media nitong Linggo matapos ang kinasasangkutang marriage affairs sa politiko at movie producer na si Albee Benitez.

Mababatid na kumalat sa social media ang mga dokumento na umano’y nag-aakusa kay Ivana bilang kalaguyo umano ni Benitez
na isinampa ng kanyang ex-wife na si Dominique “Nikki” Lopez-Benitez, na paglabag aniya sa Violence Against Women and Children Law (Republic Act No. 9262).

Sa kabila ng mga kontrobersiya, pinili ni Alawi na magpakita sa publiko at maging positibo kung saan sa kanyang Instagram stories, makikita siyang nakangiti at nagpo-post ng mga video na walang caption. Sa isa pang post, nirepost ni Ivana ang isang fan-made video edit na may kasamang kanta ni Lady Gaga na ”Paparazzi.”

screenshot from @Ivanaalawi / IG stories

Hindi pa nagbigay ng pahayag si Alawi ukol sa isyu, ngunit dati na niyang itinanggi ang anumang ugnayan kay Benitez. Una naring itinanggi sa pamamagitan ng abugado ni Benitez ang mga akusasyon at tinawag na “walang basehan” ang mga ito.

Ipinahayag din ng abogado ni Benitez na ang mga naturang akusasyon ay bahagi ng “retaliation” matapos magsimula ng annulment proceedings si Benitez noong 2024.

Samantala, nanawagan si Javi Benitez, anak nina Albee at Dominique, na sana ay magkaayos na ang kanyang mga magulang at humiling ng pag-iwas sa pagpapakalat ng mga tsismis at pekeng balita.