-- Advertisements --

Personal na nagtungo si Senator Risa Hontiveros sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) upang maghain ng reklamo laban sa mga nasa likod ng online video ng dating witness na si Michael Maurilio.

Kung saan kanyang inihain ang isang ‘official complaint’ sa NBI para mapaimbestigahan sa kawanihan ang video ng kinilala bilang si alyas ‘Rene’.

Ayon sa Senadora, kanyang sinadya ang pagpunta sa kawanihan kasama ang abogado para isapormal ang reklamo na layong alamin kung sinu-sino ang mga nasa likod ng video.

Ani Senator Hontiveros na ito’y sa kadalihanang wala pa rin raw umaamin o misko nag-aangkin sa nag-produce ng naturang online video.

Nais din ng senadora na mapaimbestigahan ang pagiging sangkot ng ilang vloggers o online content creators na kasamang nagpapakalat umano ng maling impormasyon.

Sa nababanggit na video, isiniwalat ni Michael Maurilio na kinilala bilang si alyas ‘Rene’ na binayaran umano siya ng mambabatas para magtestigo laban kay Pastor Apollo Quiboloy.

Agaran naman itong pinabulaanan ni Senator Risa Hontiveros kasabay ng paggiit na wala itong tiyak na katotohanan.

Kaya’t bunsod ng umano’y pambabaliktad at paninira sa naturang mambabatas at pag-iimbestiga ng Senado kay Pastor Apollo Quiboloy ay minabuti nitong ihain ng pormal ang reklamo sa National Bureau of Investigation.