Nakipagpulong si Land Transportaion Office (LTO) Chief Atty Vigor Mendoza sa mga opisyal ng Law Enforcemnet Service ng ahensya upang paghandaan ang mas pinaigting na aksyon laban sa mga abusadong drivers, lalo na sa paligid ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA)
Sa nasabing pagpupulong, inatasan ni Asec. Mendoza ang Law Enforcement Service na dagdagan ang operasyon at palakasin ang presensya sa mga pangunahing terminal.
Layunin ng hakbang na ito na matigil ang mga ulat ng sobra-sobrang paniningil ng ilang transport provider sa mga pasahero. Ang inisyatibo rin na ito ay upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga commuter.
Binigyang-diin ni Asec. Mendoza na magpapatupad ang ahensy ng mahigpit na “zero-tolerance policy” laban sa mga mapagsamantalang transport operator.