-- Advertisements --
Kinumpirma ng Philippine Consulate General (PCG) sa Hong Kong ang pagkawala ng dalawang overseas Filipino workers (OFWs).
Kinilala ang mga ito na sina Imee Pabuaya , 24 anyos at Aleli Tibay, 33-anyos.
Huling nakausap ni Pabuaya ang pamilya noong Oktubre 4 at matapos ang ilang oras ay nakatanggap ang kapatid nito na si Irene ng mensahe mula sa employer nito na nawawala na ang OFW.
Ayon kay Consul General Romulo Victor Israel Jr., na hindi pa kinumpirma sa kanila ng Hong Kong immigration kung nakalabas na ng Hong Kong ang dalawa.
Dagdag pa nito na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga otoridad.
Huling nakita ang dalawa noong Oktubre 4 sa Yeung Uk Road ang sikat na hiking spot sa Tsuen Wan district.