Inatasan ni acting Transportation Secretary Giovanni Lopez ang mga opisyal nito ng Department of Transportation (DOTr) na sumakay sa pampublikong sasakyan.
Ayon sa kalihim na nais lamang maranasan ng mga opisyal ng ahensiya ng karanasan ng mga ordinaryong mananakay.
Kahit sa loob ng isang linggo ay puwede silang sumakay ng isa o dalawang beses sa mga pampublikong sasakyan.
Magsusumite rin ang mga ito ng kanilang rekomendasyon, obserbasyon, plan of actions at ang katibayan na sila ay sumakay.
Sakop ng direktiba na sumakay sa mga pampublikong sasakyan ang mga undersecretaries, assistant secretaries, executive directors aat regional directors of the Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ganun din ang mga administrators at general managers ng Light Rail Transit Authority, Philippine National Railways at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
Nitong Lunes ay sinubukan ni Lopez ang sumakay sa bus, MRT-3 at umakyat pa sa Kamuning Footbridge o tinaguriang “Mt. Kamuning”.
 
		 
			 
        















