Bumabalangkas na ng panuntunan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kanilang ititigil ang pagrerenew sa mga prangkisa ng mga sira-sirang public utility vehicles.
Sinabi ni LTFRB Chairperson Vigor Mendoza na kapag natapos na ang nasabing panuntunan ay hindi na sila magrerenew ng mga prankisa ng mga pampasaherong sasakyan na sira-sira.
Sakop nito ang mga traditional at modern jeepneys, buses maging ang mga taxis.
Personal kasi nito ng naranasan ang pagsakay ng jeep sa Visayas kung saan mayroong malaking butas ito sa gitna maging ang mga drivers ay hindi nakasuot ng tama gaya ng naka-tsinelas, sando at shorts lamang ang mga ito.
Kanilang tatalakayin ang nasabing panuntunan sa mga gagawin nilang pulong sa mga susunod na linggo.
















