-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Land Transportation Office ang pagkaka aresto sa 39 na fixer matapos ang isinagawang one time big-time operation ,
Katuwang ng LTO ang Philippine National Police sa isinagawang operasyong ngayong araw.
Sa naging pahayag ni LTO Chief Asec. Markus Lacanilao, sinabi nito na mula sa naturang bilang, 24 sa mga ito ay nahuli sa LTO Central Office.
Ang natitira sa mga ito ay naaresto naman mula sa tanggapan sa San Juan, Maynila, Novaliches, at Pasay.
Nanindigan si Lacanilao na ito ay simula pa lamang ng kanilang mas malawak na operasyon sa buong bansa laban sa mga fixer.
Layon nitong mapigilan ang ugat ng korapsyon sa pamahalaan.















