Inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) na susunod ito sa utos ng Department of Transportation (DoTr) na nag-aatas sa mga opisyal ng ahensya na sumakay ng pampublikong transportasyon kahit isang beses kada linggo.
Inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) na susunod ito sa utos ng Department iof Transportation (DOTr) na nag-aatas sa mga opisyal ng ahensya na sumakay ng pampublikong transportasyon kada isang beses sa isang linggo.
Ayon kay Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez, layunin ng direktiba na maranasan ng mga opisyal ang araw-araw na pagko-commute ng mga mamamayan upang makaisip ng mga konkretong hakbang para sa pagpapabuti ng sistema sa transportasyon.
Sinabi din ni LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II na isang “back-to-basics” na polisiya ito na makatutulong upang mapanatiling konektado ang mga opisyal sa tunay na kalagayan ng transportasyon sa bansa.
Dagdag pa niya, maglalabas ang LTO ng karagdagang utos para saklawin din ang mga hepe ng district at satellite offices.