-- Advertisements --

Humihiling ang mga city bus operator sa Mega Manila ng ₱2 provisional fare increase dahil sa inaasahang pagtaas ng presyo ng diesel.

Ayon kay Juliet De Jesus ng Mega Manila Consortium Corporation (MMCC), kung maaprubahan, ang kasalukuyang P15 fare ay magiging P17 at P13 ay magiging P15.

Nagbabala rin ni De Jesus na posibleng bawasan ang bibiyaheng bus kung patuloy ang pagtaas ng presyo ng diesel.

Kasabay nito, minomonitor din ng ride-hailing company (JoyRide) ang pandaigdigang presyo ng langis at pinag-aaralan ang hakbang para mabawasan ang epekto kapwa sa drivers at pasahero.

Sinabi naman ng Department of Transportation (DOTr) na pag-aaralan nilang mabuti ang kahilingan, at plano ring humiling ng Special Allotment Release Order (SARO) mula sa Department of Budget and Management para pondohan ang service contracting program at fuel subsidy para sa mga Public Utility Vehicle driver.