-- Advertisements --

Nakapagtala ng hindi bababa sa 71,000 na pamilya ang nananatiling apektado bunsod ng tummang magnitude 7.4 na lindol sa Davao Oriental batay yan sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon sa NDRRMC at sa lokal na pamahalaan ng Davao, tinatayang nasa 16,553 na mga indibidwal ang siya naming apektado ng tsunami warning na siyang inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Biyernes.

Maliban dito higit sa 200 mga kabahayan ang nawasak bunsod ng epekto ng lindol habang 472 naman ang nakapagtala ng mga pinsala at danyos.

Samantala, sa ngayon tatlo na ang naitatalang kumpirmadong nasawi sa lindol habang 502 naman ang naiulat na sugatan sa insidente kabilang na rito ang mga nahimatay at mga inatake ng hypertension.

Ang mga datos naman na inilabas ng NDRRMC ay siyang mula sa pinagsama-samang datos mula sa Mati City, mga munisipalidad ng Lupon, Baganga, Boston, Cateel, Caraga, Manay, Tarragona, Governor generoso, San Isidro at Banaybanay.