-- Advertisements --

Nananatili sa Alert level 3 ang Bulkang Mayon matapos na makapagtala muli ng mataas na seismic energy release ayon yan sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Paliwanag ng institusyon, naitala ang increase real-time seismic energy release sa mula sa anim na estasyon ng Mayon Volcano Network.

Ito aniya ay dahil sa pagtaas rin ng mga impluwensiya ng mga naging tremor sa bulkan habang wala namang naitalang mga nagin volcanoc earthquakes mula sa Mayon.

Sa kabila nito ay tiniyak naman ng Phivolcs na walang naitalang pagtaas sa pamamaga o ground deformation sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras ngunit nakapagtala ng 256 rockfall events at 41 uson sa loob lamang ng 24 oras.

Samantala, sa ilalim naman ng Alert Level 3 mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometrong radius ng Permanent Danger Zone dahil sa mga banta ng lava flows, uson, rockfalls, at iba pang mga volcanic hazards na maaaring ilabas ng Mayon.

Pinayuhan naman ang mga residente sa loob ng 8 kilometrong radius mula sa crater ng bulkan na maghanda sa posibilidad ng paglikas kung sakali mang mas lumala pa ang sitwasyon at itaas sa Alert Level 4 ang antas ng alerto.