-- Advertisements --

Muling nagpakita ng aktibidad ang Taal Volcano ngayong araw ng Linggo, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Batay sa datos na inilabas ng PHIVOLCS nagkaroon ng minor phreatomagmatic eruption ang Bulkang Taal bandang alas-9:48 a.m at nagtapos ito ng alas-9:50 a.m.

Nakuhanan ang nasabing aktibidad ng Daang Kastila (VTDK) thermal camera ng PHIVOCLS kung saan nagbuga ito ng abo na umabot hanggang 750 meters sa taas ng bunganga
ng bulkan bago ito tangayin ng hangin.

Ang nararanasang phreatomagmatic eruptions ay dulot umano ng pagtagpo ng magma at tubig sa bunganga ng bulkan.

Kasalukuyang nakataas sa alert level 1 ang bulkan.

Samantala, sa bagong datos na inilabas ng PHIVOLCS ngayong araw, naitala na umabot na 27 volcanic earthquakes ang ipinakitang aktibidad ng Bulkang Taal noong Sabado.