-- Advertisements --
Umabot na sa halos 1,000 aftershocks ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa lalawigan ng Davao Oriental matapos ang magnitude 7.4 at magnitude 6.8 na lindol.
Ayon sa Phivolcs, nasa kabuuang 1,111 na ang kanilang naitala simula ngayong tanghali.
Mula sa bilang na ito, 511 ang natukoy ng Phivolcs habang 14 naman ang naramdaman.
Ang mga naturang aftershocks ay magtutuloy-tuloy na nasa pagitan ng magnitude 1.2 hanggang 5.8.
Samantala, patuloy naman ang monitoring ng Phivolcs sa mga naitatalang aftershocks sa lalawigan maging sa iba pang karatig rehiyon.