-- Advertisements --
Patuloy na minomonitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang epekto ng malakas na lindol na yumanig sa katubigan ng Sarangani noong Hunyo 8, 2026 na may lakas na Magnitude 7.8.
Batay sa pinakahuling ulat ngayong araw, umabot na sa 6,233 aftershocks ang naitala mula sa nasabing lindol.
Sa kabuuang bilang, 1,496 ang na-plot o natukoy ang eksaktong lokasyon, habang 78 ang naramdaman ng publiko.
Ang magnitude ng mga aftershock ay nasa pagitan ng 1.2 hanggang 6.4, na nagpapakita ng patuloy na aktibidad sa ilalim ng Cotabato Trench.
Pinapaalalahanan ng PHIVOLCS ang mga residente na manatiling handa at sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan habang nagpapatuloy ang monitoring sa sitwasyon.
















