-- Advertisements --

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang lindol na may lakas na Magnitude 4.5 ngayong Hulyo 9, 2026, alas-2:33 ng hapon.

Natukoy ang epicenter nito sa layong siyam na kilometro timog-kanluran ng Tuba, Benguet.

Ayon sa ulat, may lalim na 10 kilometro ang lindol at naramdaman sa iba’t ibang lugar sa Cordillera at Hilagang Luzon.

Sa instrumental intensities, naitala ang Intensity V sa Lungsod ng Baguio, Intensity IV sa Aringay, La Union, Intensity III sa Sison, Pangasinan, Intensity II sa Urdaneta, Pangasinan, at Intensity I sa Cuyapo at Lingayen, Pangasinan.

Bagama’t walang agarang ulat ng pinsala o nasaktan, patuloy na mino-monitor ng mga awtoridad ang sitwasyon. Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga safety protocols, lalo na sa mga lugar na madalas makaranas ng pagyanig.

Ang Pilipinas ay bahagi ng Pacific Ring of Fire, dahilan kung bakit madalas makaranas ng lindol ang bansa.