-- Advertisements --
Naitala ang minor phreatomagmatic eruption sa bulkang Taal kaninang umaga ng Lunes, Oktubre 20.
Base sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naobserbahan ang minor eruption sa main crater ng bulkan sa loob ng isang minuto mula alas-6:13 ng umaga hanggang alas-6:14 ng umaga.
Ayon sa ahensiya, ang naturang event ay nagbuga ng plumes na umabot sa 500 metro ang taas sa ibabaw ng crater.
Sa kabila nito, nananatili sa Alert Level 1 ang alerto sa bulkan, na nangangahulugang nasa abnormal itong kondisyon, kayat mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa permanent danger zone sa Taal Volcano Island.