-- Advertisements --

Nagtala ng dalawang minor phreatic eruption ang bulkang Taal nitong umaga ng Huwebes, Disyembre 4.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) , nangyari ang eruptions ng 12:58 ng hatinggabi at 1:04 ng umaga.

Tumagal ang bawat pagbuga ng abo ng tig-dalawang minuto.

Umabot sa 1,200 metro ang taas mula sa crater ang abo na ibinuga ng nasabing bulkan.

Sa kasalukuyan ay nasa Alert Level 1 pa rin ang lagay ng Bulkang Taal.