-- Advertisements --

Mahigpit na pinabulaanan ng Office of the Prosecutor (OTP) ng International Criminal Court (ICC) ang mga alegasyon na naiimpluwensyahan o pinopondohan ng gobyerno ng Pilipinas ang kanilang isinasagawang imbestigasyon sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Sa halip na magpaapekto sa mga bali-balita, iginiit ng OTP ang kanilang buong independensya.

Lininaw ng tanggapan na ang lahat ng kanilang OTP activities at mission expenses ay ganap na sinasagot ng sariling badyet ng korte na inaprubahan ng ICC Assembly of States Parties, at dumadaan sa mahigpit na oversight mechanisms.

Dagdag pa ng ahensya, parehas nilang sinusuri ang lahat ng ebidensya at kinikilatis ang kredibilidad ng mga nakakalap na witness statements sa ilalim ng regulasyon ng mga independent ICC Judges.

Tumanggi namang magbigay ng dagdag na detalye ang tanggapan kaugnay sa estado ng kaso upang maprotektahan ang mga biktima at testigo.