-- Advertisements --
Ikinagalit ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang batikos ng ibang kritiko na dapat ay huwag ng tanggapin sa ibang bansa ang nakapiit na si dating pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa mambabatas, na hindi sila masisisi dahil sa nais lamang nila kung ano ang makakabuti sa kanilang ama.
Una ng humirit ang kampo ng dating pangulo ng interim release dahil sa may ibang bansa na nais kumupkop sa kaniya.
Pinasalamatan rin nito ang mga supporters at nanawagan ito ng pagdarasal para sa kalusugan ng ama.
Ang mambabatas ay nasa The Hague, Netherlands para dalawin ang ama nakapiit mula pa noong Marso dahil sa crime against humanity.