-- Advertisements --

Itinanggi ni Secretary Jesus Crispin Remulla, kasalukuyang kalihim ng Department of Justice na mayroong opisyal na papel sa kanilang ugnayan sa International Criminal Court.

Ayon mismo sa kanya, walang papeles o anumang pormal na dokumento na siyang ipinadala sa kanila sa pakikipag-usap ng naturang International Tribunal.

Kanyang paglilinaw na wala ding opisyal na kasulatan o ‘written paper’ sa koordinasyon ng Department of Justice at International Criminal Court.

Aniya’y nakiusap lamang raw ito sa kanilang kagawaran na masegurong ligtas ang mga tetestigo sa korte laban kay former President Rodrigo Roa Duterte.

Kaya’t napagpasyahan ng Department of Justice na sagutin ito kaysa pigilan o harangan na makapagpadala ng mga indibidwal na layon lamang magsumite ng testimonya.

Paliwanag kasi ni Justcie Secretary Remulla na ang mahalaga dito ay maihain ng mga testigo ang kanilang panig o testimonya sa ICC ng The Hague, Netherlands.

Ito’y upang mabigyan ng kaliwanagan o kasagutan sa kung anong tunay umanong nangyari sa panahon at administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Roa Duterte.