-- Advertisements --

Target ng Department of Justice (DOJ) na matapos ng hanggang dalawang linggo ang kanilang pagsusuri sa mga dokumento na may kinalaman sa hiling ng US na pag-extradite kay Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy.

Ayon kay DOJ Secretary Fredderick Vida, na kanilang binigyang prioridad ang “voluminous” extradition documents para mapunan ang extradition treaty obligation ng bansa sa US.

Dagdag pa nito na kanilang pinag-aaralang mabuti ang lahat at ay dadaan aniya sa tamang proseso.

Pagkatapos ng dalawang linggo ay kanilang isasalang agad ito para sa paghain ng petisyon sa korte.

Magugunitang noon pang buwan ng Agosto ay pormal ng humiling ang US ng extradition para kay Quiboloy matapos na madiin ito sa federal case sa California noong 2021.

Nahaharap kasi ito sa umanoy sex trafficking by force, fraud at coercion, sex trafficking of children, substantive sex trafficking at cash smuggling.

Naaresto si Quiboloy noong 2024 sa Davao City dahil sa kasong human trafficking at child abuse.