Naniniwala si Department of Justice Secretary Fredderick Vida na lehitimo o mayroon katotohanan ang naramdaman pangamba ni Vice President Sara Duterte sa kaligtasan ng kanyang buhay.
Aminado siyang ikinalungkot niya nang sabihin ng ikalawang pangulo na ‘I don’t feel safe’ noong magtungo ito sa Quezon City Regional Trial Court.
Nahaharap kasi sa kasong ‘grave threats’ si Vice President Duterte kung kaya’t naglagak ng piyansa matapos isyuhan ng ‘warrant of arrest’ ng hukuman.
Hindi raw dapat i-gaslight o ipagsawalang bahala at husgahan ang ‘feelings’ o nararamdaman ng isang indibidwal, ngunit ayaw na aniyang mag-speculate pa kung ano ang pinagmulan ng pahayag.
Gayunpaman, naniniwala si SOJ Vida na handa at gagampanan naman ng mga awtoridad ang kanilang tungkulin para maseguro ang kaligtasan ng bise presidente at maging ng mga Pilipino.
















