Naghain ang kampo ni dating Speaker Martin Romualdez ng urgent motions at manifestations para ito ay manitili muna sa pagamutan.
Ang nasabing hakbang ay kasunod ng paglabas ng warrant of arrest ng mambabatas mula sa Sandiganbayan dahil sa kasong plunder dahil sa umanoy anomalya sa mga flood control projects.
Sa 12-pahinang dokumento ng isinumite ng abogado ng mambabatas, ay inabisuhan nila ang anti-graft court na ang Leyte representatives ay naka-confine sa Cardinal Santos Medical Center sa lungsod ng San Juan dahil sa ilang mga dinaramdam.
Kabilang sa mga dinaramdam nito ay hypertension, Type 2 diabetes melitus, hyperthyroidism, at coronary artery disease.
Mahigpit din na minomonitor ng mga doctor ang lagay ng kalusugan ng mambabatas.
Paliwanag nila na ito ay hindi nangangahulugan na iniiwasan ng mambabatas ang pag-aresto.
Nakatakda naman magsagawa ang Sandiganbayan Third Division ng pagsusuri sa kalusugan ni Romualdez.
Una rito ay kinumpirma ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang paghain nila ng warrant of arrest kay Romualdez habang ito ay nasa pagamutan.
Dagdag pa ng opisyal na nakabantay ang mga kasapi ng kapulisan sa pagamutan matapos na sumailalim sa dokumentasyon si Romualdez.
















