Bumaba ang bilang ng krimen na naitala sa buong bansa.
Ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong buwan pa lamang ng Agosto ay mayroong pagbaba ng halos 42 percent.
Nagtala ng 2,087 na mga focus crimes ang PNP noong Agosto na mas mababa pa ito ng 41.77 percent o 3,584 na krimen ang naitala noong Agosto 2025.
Ang pagnanakaw ng mga sasakyan ang may pinakamalaking pagbaba na umabot sa 67.74 percent kung saan mayroon lamang 10 kaso mula sa dating 31 kumpara noong nakaraang taon ng parehas na buwan.
Habang ang kaso ng rape ay bumaba ng 58.65 percent mula sa dating 769 ay naging 318 na lamang.
Ang nakawan naman ng mga motorsiklo ay mayroong pagbaba na 102 na kaso mula sa dating 220 habang ang physical injury ay mayroon din na pagbaba ng 46.83 percent na mayroong 277 na lamang mula sa dating 521.
Nagtala din ng pagbaba ang kaso ng nakawan mula sa dating 1,315 na kaso ay mayroong 767 na lamang o katumbas ng 41.67 percent.
Una ng tiniyak ni PNP chief General Jose Melencio Nartatez Jr na ipinapakalat nila ng mga kapulisan sa kalsada para matiyak ang kaligtasan ng publiko.
















