Kinasabikan ng mga football fans ang naging laban ng Ghana at Portugal sa Group H sa nagpapatuloy ng 2022 FIFA World Cup.
Ito ay matapos talunin ng ranked number number 9 na Portugal ang ranked number 61 na Ghana sa score na 3-2 sa laro na ginanap sa Stadium 974.
Sa unang bahagi kasi ng laban ay kapwa walang naitalang puntos ang magkabilang panig.
Pagpasok ng second half ay nabigyan ng penalty kick ang si Portugal forward star Cristiano Ronaldo sa 61st minute at naipasok nito ng goal.
Hindi na nagtagal ang advantage ng Portugal dahil sa pagpasok ng 73 minuto ay naitabla ng Ghana sa 1-1 ng maipasok ni Andre Ayew ang goal.
Hindi hinayaan ng Portugal ang laban dahil sa loob ng pitong minuto ay magkasunod na naipasok ng goal nina Joao Felix at Rafael Leao at maitala ang 3-1 na kalamangan.
Pagdating ng 89 minuto ay gumanti ang Ghana sa pamamagitan ni Osman Bukari para mailapit ang score sa 3-2.
Pinilit ng Ghana na maitabla ang puntos sa extra nine minuto subalit mahigpit ang naging pagbabantay ng Portugal hanggang maubos na ang oras.