-- Advertisements --

Sumasailalim na sa gamutan ang walong Pinoy seafarers na nailigtas mula sa lumubog na MV Eternity C matapos na atakihin ng Houthi rebels sa Red Sea.

Ayon kay Migrant Workers Undersecretary Bernard Olalia, na ang nasabing mga seafarers ay bahagi ng 21 crew ng MV Eternity C.

Inaayos na nila ang pagpapauwi ng walong nakaligtas habang mayroong walong iba pa ang naitalang nawawala.

Ang bulk carrier na may 21 Pinoy crew ay isa sa dalawang foreign-flagged vessels na inatake ng mga Houthi rebels noong Hulyo 6.

Mayroon namang 17 mga Pinoy seafarers ganun din mga Vietnamese at Romanian crew ang nakaligtas mula sa MV Magic Seas na inatake ng mga Houthis.