-- Advertisements --

Isang Filipinang caregiver na kinilala na si Leah Mosquera, 49, mula sa Negros Occidental, ang pumanaw na dahil sa mga natamong sugat nang tamaan ng Iranian missile ang kanyang apartment sa Rehovot, Israel.

Ayon sa Philippine Embassy sa Israel, si Leah ay sumailalim sa ilang operasyon sa Shamir Medical Center sa intensive care unit ng ospital sa loob ng ilang linggo.

Photo credits from @Philippine Embassy in Israel / FB

Ang kanyang pagkamatay ay kinumpirma ng kanyang kapatid na si Joy, na nagtatrabaho rin sa Israel.

Ayon sa embahada, kasalukuyang inaasikaso na ang mga arrangement para sa repatriation at iba pang kinakailangang tulong para kay Mosquera.

Photo credits from @Philippine Embassy in Israel / FB

Inalala ng embahada si Leah bilang isang mabait at mapagmahal na tao, na kilala ng mga kaibigan bilang Ate Leah, at sana’y magdiwang ng kanyang 50th birthday sa Hulyo 29.

Matatandaan na ang insidente ay bahagi ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at Iran, mula nang magsimula ang airstrikes ng Israel laban sa Iran noong Hunyo 13.