-- Advertisements --

Iginiit ng Department of Justice (DOJ) na hindi ‘personality driven’ o maski direkta sa isang partikular na grupo o indibidwal ang ginagawa nilang imbestigasyon hinggil sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Sa isang panayam binigyang diin ni Justice Undersecretary Raul Vasquez na wala silang tinutumbok na personalidad sa kanilang ikinakasa at nagpapatuloy na imbestigasyon.

Aniya, kung ano man ang maging kalabasan at kahihinatnan ng imbestigasyon ay siya lamang nangangahulugan na siya ang itinuturo ng mga ebidensya at pangunahing may kinalaman sa naturang kaso.

Ani Vasquez, walang personal na agenda sa imbestigasyon at ginagampanan lamang aniya nila ang kanilang trabaho.

Sa kasalukuyan ay kinumpirma ni Vasquez na angpapatuloy ang mg otoridad sa pagkalap ng mga ebidensyang may kinalaman sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Layon nito na mas palakasin pa ang kanilang mga kaso na maaari nilang maisampa sa korte laban sa mga personalidad na siyang matutukoy na nasa likod nito.

Samantala, nauna naman na dito ay pinagutos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga otoridad na magkasa ng malim na imbestigasyon sa kaso upang matiyak na mapapanagot sa batas ang nasa likod ng krimen.