Tiniyak ng House of Representatives na sila ay tutugon sa kahilingan ng Korte Suprema kaugnay sa petisyon sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay House of Representatives Spokesperson Atty. Princess Abante na magsusumite sila ng karagdagang sworn information na may kaugnayan sa impeachment laban sa pangalawang Pangulo.
Ang pahayag na ito ni Abante ay matapos matanggap ng Kamara ang kopya ng Supreme Court nuong July 8 na humihingi ng mga dokumento kaugnay sa impeachment.
Ito ay may kaugnayan sa inihaing petisyon ng kampo ni Duterte na hinahamon ang constitutionality at ang kasalukuyang proseso ng impeachment proceedings sa Senado.
Dagdag pa ni Abante na ang nasabing usapin ay kanila ng ni-refer sa Office of the Solicitor General na siyang magre-representa sa House of Representatives sa nasabing kaso.
Siniguro naman ni Abante na makikipag-ugnayan sla sa OSG upang matiyak ang na maisumite ang mga hinihinging mga dokumento.
Sa inilabas na resolusyon ng Supreme Court kapwa inatasan nito ang Kamara at Senado na mag sumite ng mga dokumento.
Inimpeached ng House of Representatives si VP Sara dahil sa multiple grounds kabilang dito ang maling paggamit ng P125 million confidential funds na ginastos sa loob ng 11 araw nuong December 2022.