-- Advertisements --
Nagpaabot ng pakikiramay si Pope Leo XIV sa mga biktima ng lindol sa Cebu matapos ang pagtama ng magnitude 6.9 na lindol.
Ipinarating nito ang mensahe sa pamamagitan ng kaniyang Apostolic Nuncio.
Ayon kay Cebu Archbishop Alberto Uy na tinawagan siya ni Apostolic Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles John Brown at ipinaabot ang pakikiramay ng Santo Papa.
Ipinagdarasal ng Santo Papa ang mga nasalanta lalo na yung mga nawalan ng kanilang mahal sa buhay.
Magugunitang umabot na sa 72 katao ang nasawi matapos ang pagtama ng magnitude 6.9 na lindol nitong Setyembre 30 ng alas-9:59 ng gabi kung saan ang sentro ng lindol ay sa Bogo City, Cebu.