-- Advertisements --

Mariing itinanggi ng Malacañang ang mga ulat sa social media hinggil sa umano’y insidente ng road harassment na kinasasangkutan ng isang “presidential son” sa may bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX).

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomes na walang naganap na anumang insidente na may kinalaman sa sinumang anak ng Pangulo.

 “There is no such incident involving any presidential son,” mensahe ni Sec. Gomez.

May lumabas kasi na ulat sa social media na pasado alas-7 ng gabi ay hinarang umano ng tatlong sasakyan ang convoy na sinasabing lulan ang presidential son. 

May mga ulat ding may 15 lalaking bumaba mula sa mga sasakyang nakarehistro sa isang bayan sa Bulacan at kinompronta ang convoy matapos umano itong mag-overtake.

Gayunman, wala pang inilalabas na opisyal na paglilinaw ang mga awtoridad, at naninindigan ang Malacañang na walang ganitong insidente na naganap.