-- Advertisements --

Sinulatan ni Pope Francis si Paralympic star Alex Zanardi na nasa pagamutan pa rin matapos na maaksidente sa handbike sa Italy noong nakaraang linggo.

Sa nasabing sulat, sinabi ng Santo Papa na isang inspirasyon sa mga tao si Zanardi.

Alex Zanardi
Alex Zanardi/ Twitter Image

Ipinagdarasal niya ang kaniyang tuluyang paggaling.

Ang four-time gold medalist sa Paralympics ay kasa-kasama ni Pope Francis na tumutulong sa mga Charity.

Pinangangambahang nagkaroon ng brain damage ang 53-anyos na si Zanardi dahil sa nasabing aksidente.

-- Advertisement --

Taong 2001 ng maaksidente ito sa Formula One racing na nagdulot sa pagkaputol ng kaniyang dalawang hita.

Mula noon ay hindi ito tumigil at sumali pa sa Paralympics gamit ang handbike racing.