-- Advertisements --

Binisita ni Pope Leo XIV ang puntod ng yumaong si Pope Francis upang magbigay respeto. 

Ito ang unang trip ni Pope Leo XIV sa labas ng Vatican matapos mahalal bilang bagong santo papa ng buong Simbahang Katolika. 

Kumaway si Leo mula sa passenger side ng kanyang sinasakyang Volkswagen pagdating niya sa St. Mary Major Basilica sa Rome.

Sa kanyang pagpasok sa simbahan, may ilang sumisigaw ng “Viva il papa” (Mabuhay ang papa), dahan-dahang lumakad si Leo patungo sa puntod ni Francis at inilapag doon ang isang puting bulaklak.

Pagkatapos nito, lumuhod siya at nagdasal ng ilang sandali.