-- Advertisements --

Nakatakdang bumisita si Pope Leo XIV sa ilang bahagi ng Africa.

Ayon kay Archbishop Kryspin Dubiel ang Vatican envoy na ito ang unang biyahe sa ibang bansa ng Santo Papa.

Dagdag pa nito na tinanggap ng Santo Papa ang imbitasyon mula sa pangulo ng Angola na si Joao Lourenco.

Sa ngayon ay inaayos na nila ang plano at programa para sa pagbisita ng Santo Papa.

Una ng sinabi ng Santo Papa noong Disyembre ang pagnanais niyang makabisita sa Africa.

Huling may bumisita na Santo Papa sa Africa ay noong 2023 sa pamamagitan ng namayapang si Pope Francis na nagtungo sa Democratic Republic of Congo at South Sudan.