Inaabangan ngayong Martes ang isang annular solar eclipse o tinatawag na “Ring of Fire.”
Ayon sa mga Pagasa Astronomical Division, ito ay mangyayari bandang alas-7:13 ng gabi sa oras ng Pilipinas, at tatagal ng humigit-kumulang dalawang minuto at dalawampung segundo sa peak stage nito.
Makikita ang annularity sa ilang bahagi ng Antarctica, habang mararanasan naman ang partial eclipse sa South Africa, South America, at ilang bahagi ng Indian Ocean, Pacific Ocean, at Atlantic Ocean.
Sa Pilipinas, hindi matatanaw ang naturang eclipse dahil wala sa path ng annularity ang bansa.
Gayunpaman, inaasahan na magiging tampok ito sa mga observatory at scientific communities sa mga bansang sakop ng eclipse.
Itinuturing ng mga eksperto na mahalagang pagkakataon ito para sa masusing pag-aaral sa galaw ng araw at buwan, gayundin sa epekto ng eclipse sa kapaligiran.
Nakadagdag pa sa kinasasabikan ng marami ang pagkakasabay ng eclipse sa Chinese New Year na binibigyan ng ilang observers ng sari-saring kahulugan.
Gayunman, pagasa sa state weather bureau, walang kinalaman ang eclipse sa paparating na bagyo o anumang uri ng weather system.
Habang sa panig ng Phivolcs, walang nakikitang koneksyon ang pagputok ng bulkan at lindol sa mga astronomical events.
















