-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nanawagan ang Labor group na Partido Manggagawa na ibawal na sa Pilipinas ang online gambling dahil marami na ang nalululong nito, kabilang na ang mga bata, mga matatanda na meron o walang trabaho lalo na’t wala namang nananalo nito maliban na lang sa operator.

Ayon sa tagapagsalita ng grupo na si Wilson Fortaleza, ang pagsusugal ay isang adiksyon, at kung marami ang mga adik nito, aasahang mas maraming krimen din ang maitatala.

Naniniwala rin ang opisyal na hindi imposible na mas maraming pangalan pa ang lilitaw sa nasabing isyu na kasalukuyang ini-imbestigahan.

Inihalimbawa nito ang e-sabong na sinasabing ang protector, ay mga pulis at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan.

Bukod dito’y, nananiniwala din siya na kung mayroong organisadong krimen, mayroon ding mga organisadong protector nito.